Monday, October 20, 2008

mahalin mo pa kaya akoh kung...

mahalin mo pa kaya akoh kung malalaman mo na....

madamot akoh... kasi gusto ko... akin lang ang atensyon moh...

pero pag nasa akin na ang atensyon moh... nahihiya naman ako sa'yo...

selosa akoh...

kasi gusto ko ako lang ang pinakikinggan mo...

gusto ko na pag nagsasalita ko nakatingin ka sa'kin...

at sa'kin lang

gusto kong nakikita ang reaksyon mo...

ang ekspresyon ng mukha mo... ang galaw ng mata mo...

ang bawat pag-galaw ng labi moh...

gusto kong makita kang tumawa...

mainis, mapikon, mabad-trip... malito...

gusto kitang tinitingnan kasi

pinahahalagahan ko ang bawat ekspresyong nakikita ko sa'yo...

kaya lang pag andyan ka na... nahihiya na ako...

nahihiya akong magkwento, nahihiya akong tumingin...

kaya tuloy tumatahimik na lang akoh...

possesive akoh kasi gusto ko akin ka lang...

kasi gusto kong andito lang lagi sa tabi moh...

gusto ko paglingon mo... ako ang makikita mo...

at ako lang...

kaya gusto ko... dito lang ako... malapit sa'yo...

pero ang totoo n'yan

duwag akoh...


takot ako sa ipis, sa daga... sa dilim, sa multo...

sa nakaraan at sa bukas...

takot akong harapin ang mga bagay na nangyari na

at sa mga bagay na mangyayari pa lang...

takot akong mahalin ka kasi iba naman ang mahal moh...

takot akong makasama ka ng matagal kasi...

takot akong mahulog pa ang loob ko sa'yo...

kasi iba ang mahal mo... at alam ko yun...

kaya nga natatakot ako na baka hindi ko matutunang palayain ang puso ko sa'yo...

takot akong sumugal kasi hindi ko alam kung panalo ba ako o talo...

pero ang pinaka-kinatatakutan ko sa lahat....

ang tuluyang mawala ka sa buhay ko...

marami pa sana akong gustong sabihin sa'yo...

nakikinig ka ba??

kung matatagalan mong tumingin sa mga mata ko...

sasabihin ko sa'yo ang nasa loob koh...

mamahalin moh pa kaya akoh???

kung malalaman mo na....





No comments: